Font Size
Joel 1:2-4
Ang Biblia, 2001
Joel 1:2-4
Ang Biblia, 2001
2 Pakinggan ninyo ito, O matatanda,
pakinggan ninyo, kayong lahat na naninirahan sa lupain!
May nangyari na bang ganitong bagay sa inyong mga araw,
o sa mga araw ng inyong mga ninuno?
3 Sabihin ninyo iyon sa inyong mga anak,
at ng inyong mga anak sa kanilang mga anak,
at ng kanilang mga anak sa susunod na salinlahi.
4 Ang iniwan ng nagngangatngat na balang,
ay kinain ng kuyog na balang.
Ang iniwan ng kuyog na balang
ay kinain ng gumagapang na balang;
at ang iniwan ng gumagapang na balang
ay kinain ng maninirang balang.