Add parallel Print Page Options

Sunud-sunod na sumalakay ang mga pulutong ng balang. Ang mga naiwan na tanim na hindi naubos ng unang pulutong ay kinain ng sumunod na pulutong hanggang sa naubos ang mga tanim.[a]

Kayong mga lasenggo, bumangon kayo at umiyak nang malakas! Sapagkat wala na kayong maiinom; wala nang bunga ang mga ubas na gagawing alak. Ang lupain ng Panginoon[b] ay sinalakay ng napakaraming balang.[c] Matalas ang kanilang mga ngipin na parang mga ngipin ng leon.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:4 Maaari rin na ang sinasabi ng talatang ito ay ang apat na klaseng balang o ang apat na “stages” ng paglaki ng balang.
  2. 1:6 lupain ng Panginoon: sa literal, aking lupain, na siyang Juda.
  3. 1:6 napakaraming balang: sa literal, mga bansa. Maaaring ang mga balang na ito ay kumakatawan sa mga bansang sasalakay sa Juda.