Add parallel Print Page Options

24 At nangyari, nang kanilang ilabas ang mga haring yaon kay Josue na ipinatawag ni Josue ang lahat na lalake sa Israel, at sinabi sa mga pinuno ng mga lalaking mangdidigma na sumama sa kaniya, Lumapit kayo, ilagay ninyo ang inyong mga paa sa mga leeg ng mga haring ito. At sila'y lumapit at inilagay ang kanilang mga paa sa mga leeg ng mga yaon.

25 At sinabi ni Josue sa kanila, Huwag kayong matakot, ni manglupaypay; kayo'y magpakalakas at magpakatapang na maigi: sapagka't ganito ang gagawin ng Panginoon sa lahat ninyong mga kaaway na inyong kinakalaban.

26 At pagkatapos ay sinaktan sila ni Josue, at ipinapatay sila, at ibinitin sila sa limang puno ng kahoy; at sila'y nangabitin sa mga puno ng kahoy hanggang sa kinahapunan.

Read full chapter