Add parallel Print Page Options

At ang mga tao sa Gabaon ay nagsugo kay Josue (A)sa kampamento sa Gilgal, na sinasabi, Huwag mong papanlambutin ang iyong kamay sa iyong mga lingkod; sampahin mo kaming madali, at iligtas mo kami, at tulungan mo kami: sapagka't ang lahat ng mga hari ng mga Amorrheo na nangananahan sa lupaing maburol ay nagpipisan laban sa amin.

Sa gayo'y sumampa si Josue mula sa Gilgal, siya at ang buong bayang pangdigma na kasama niya, at ang lahat ng mga makapangyarihang lalake na matatapang.

At sinabi ng Panginoon kay Josue, (B)Huwag mo silang katakutan: sapagka't aking ibinigay sila sa iyong mga kamay; (C)walang lalake roon sa kanila na tatayo sa harap mo.

Read full chapter