Josue 12:6-8
Ang Biblia (1978)
6 (A)Sinaktan sila ni Moises na (B)lingkod ng Panginoon at ng mga anak ni Israel: at ibinigay ni Moises na lingkod ng Panginoon na pinakaari sa mga Rubenita, at sa mga Gadita, at sa kalahating lipi ni Manases.
7 At ang mga ito'y ang mga hari ng lupain na (C)sinaktan ni Josue at ng mga anak ni Israel sa dako roon ng Jordan na dakong kalunuran, mula sa Baal-gad na libis ng Libano hanggang sa bundok ng Halac, na pasampa sa Seir (at ibinigay ni Josue na pinakaari sa mga lipi ng Israel (D)ayon sa kanilang pagkakabahagi;
8 (E)Sa lupaing maburol, at sa mababang lupain, at sa Araba, at sa mga tagudtod, at sa ilang, at sa Timugan; ang Hatheo, ang Amorrheo, at ang Cananeo, ang Pherezeo, ang Heveo, at ang Jebuseo);
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978