Font Size
Josue 12:7-9
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Josue 12:7-9
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang mga Hari na Natalo sa Kanluran ng Jordan
7-8 Sinakop din ni Josue at ng mga Israelita ang mga lupain sa kanluran ng Jordan, mula sa Baal Gad sa Lambak ng Lebanon hanggang sa Bundok ng Halak na paahon sa Seir. Ibinigay ni Josue ang mga lupaing ito sa mga Israelita bilang mana nila. Hinati niya ito ayon sa bawat lahi nila. Ang mga lupaing ito ay ang mga kabundukan, mga kaburulan sa kanluran,[a] ang Lambak ng Jordan, ang mga libis, ang disyerto sa timog, at ang Negev. Tinirhan ito dati ng mga Heteo, Amoreo, Cananeo, Perezeo, Hiveo, at mga Jebuseo. Ito ang mga hari ng mga lugar na iyon na tinalo ni Josue at ng mga Israelita:
9 ang hari ng Jerico
ang hari ng Ai (malapit sa Betel)
Footnotes
- 12:7-8 kaburulan sa kanluran: sa Hebreo, Shefela.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®