Add parallel Print Page Options

Ang Lupang para sa Lipi ni Juda

15 Ang lupaing napapunta sa lipi ni Juda ay mula sa dulo ng Edom at hanggang sa ilang ng Zin sa kaduluhan sa gawing timog.

Ito ang pinaghati-hatian ng mga angkang bumubuo ng lipi. Nagmula ang hangganan ng lupaing ito sa timog ng Dagat na Patay, nagtuloy sa Landas ng Acrabim, at lumampas patungo sa ilang ng Zin. Buhat doo'y umahon sa Kades-barnea, nagdaan ng Hezron, nagtuloy sa Adar at lumikong patungo sa Carca.

Read full chapter