Add parallel Print Page Options

(A)Ingatan lamang ninyong mainam na gawin ang utos at ang kautusan na iniutos sa inyo ni Moises na lingkod ng Panginoon, (B)na ibigin ang Panginoon ninyong Dios, at lumakad sa lahat niyang mga daan, at ingatan ang kaniyang mga utos, at lumakip sa kaniya, at maglingkod sa kaniya ng buo ninyong puso at ng buo ninyong kaluluwa.

Gayon sila (C)binasbasan ni Josue at pinagpaalam sila: at sila'y umuwi sa kanilang mga tolda.

Ibinigay nga ni Moises sa kalahating lipi ni Manases ang mana sa Basan: (D)nguni't ang kalahating lipi ay binigyan ni Josue sa gitna ng kanilang mga kapatid sa dako rito ng Jordan na dakong kalunuran. Bukod dito'y nang papagpaalamin sila ni Josue na pauwiin sa kanilang mga tolda, ay binasbasan sila,

Read full chapter