Add parallel Print Page Options

Gayon sila (A)binasbasan ni Josue at pinagpaalam sila: at sila'y umuwi sa kanilang mga tolda.

Ibinigay nga ni Moises sa kalahating lipi ni Manases ang mana sa Basan: (B)nguni't ang kalahating lipi ay binigyan ni Josue sa gitna ng kanilang mga kapatid sa dako rito ng Jordan na dakong kalunuran. Bukod dito'y nang papagpaalamin sila ni Josue na pauwiin sa kanilang mga tolda, ay binasbasan sila,

At sinalita sa kanila, na sinasabi, Kayo'y bumalik na may maraming kayamanan sa inyong mga tolda, at may maraming hayop, may pilak, at may ginto, at may tanso, at may bakal, at may maraming kasuutan: magbahagi kayo sa inyong mga kapatid ng samsam sa inyong mga kaaway.

Read full chapter