Add parallel Print Page Options

12 At (A)sinugo ko ang malalaking putakti sa unahan ninyo, na siyang nagtaboy sa kanila sa harap ninyo, sa makatuwid baga'y sa dalawang hari ng mga Amorrheo: (B)hindi sa pamamagitan ng inyong tabak, ni ng inyong busog.

13 At aking binigyan kayo ng lupain na hindi ninyo binukid, at (C)ng mga bayang hindi ninyo itinayo, at inyong tinatahanan; at mga ubasan at mga olibohan na hindi ninyo itinanim ay inyong kinakain.

14 Ngayon nga ay matakot kayo sa Panginoon, at paglingkuran ninyo siya sa pagtatapat at sa katotohanan: at inyong (D)alisin ang mga dios na mga pinaglingkuran ng inyong mga magulang sa dako roon ng Ilog at (E)sa Egipto; at inyong paglingkuran ang Panginoon.

Read full chapter