Add parallel Print Page Options

27 At sinabi ni Josue sa buong bayan, Narito, ang (A)batong ito ay magiging saksi laban sa atin, sapagka't (B)narinig nito ang lahat ng mga salita ng Panginoon, na kaniyang sinalita sa atin: ito nga'y magiging saksi laban sa inyo, baka ninyo itakuwil ang inyong Dios.

28 Sa gayo'y (C)pinapagpaalam ni Josue ang bayan, bawa't isa sa kaniyang mana.

Ang kamatayan ni Josue.

29 At nangyari, pagkatapos ng mga bagay na ito, na si Josue, na anak ni Nun na lingkod ng Panginoon, ay namatay na may isang daan at sangpung taon ang gulang.

Read full chapter