Font Size
Josue 24:29-31
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Josue 24:29-31
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Pagkamatay ni Josue at ni Eleazar
29 Lumipas ang sandaling panahon at ang lingkod ni Yahweh na si Josue, na anak ni Nun, ay namatay sa gulang na 110 taon. 30 Inilibing(A) siya sa kanyang sariling lupain sa Timnat-sera, sa kaburulan ng Efraim, hilaga ng Bundok ng Gaas.
31 Naglingkod kay Yahweh ang sambayanang Israel habang nabubuhay si Josue. Kahit wala na siya, nanatili pa rin silang tapat kay Yahweh habang nabubuhay ang mga pinunong nakasaksi sa lahat ng mga ginawa ni Yahweh para sa Israel.
Read full chapter