Add parallel Print Page Options

At nang sila'y dumaing sa Panginoon (A)ay nilagyan niya ng kadiliman ang pagitan ninyo at ang mga taga Egipto, (B)at itinabon ang dagat sa kanila, at tinakpan sila; at nakita ng (C)inyong mga mata kung ano ang aking ginawa sa Egipto at kayo'y tumahan sa ilang na malaon.

At ipinasok ko kayo sa lupain ng mga Amorrheo, na tumatahan sa dako roon ng Jordan, (D)at sila'y nakipagbaka sa inyo; at ibinigay ko sila sa inyong kamay, at inyong inari ang kanilang lupain: at nilipol ko sila sa harap ninyo.

(E)Nang magkagayo'y tumindig si Balac na anak ni Zippor, na hari sa Moab, at dumigma laban sa Israel; at (F)siya'y nagsugo at tinawag si Balaam na anak ni Beor, upang sumpain kayo:

Read full chapter