Add parallel Print Page Options

16 Iutos mo sa mga saserdote na nagdadala (A)ng kaban ng patotoo, na sila'y sumampa mula sa Jordan.

17 Nagutos nga si Josue sa mga saserdote, na sinasabi, Umahon kayo mula sa Jordan.

18 At nangyari, nang umahon mula sa gitna ng Jordan ang mga saserdote na nagdadala ng kaban ng tipan ng Panginoon, at nang matungtong sa tuyong lupa ang mga talampakan ng mga paa ng mga saserdote, na ang tubig ng Jordan ay nanauli sa kanilang dako, (B)at umapaw sa pangpang na gaya ng dati.

Read full chapter