Add parallel Print Page Options

Nagsuot sila ng mga pudpod at butas-butas na sandalyas, at damit na gula-gulanit. Matigas na at amagin pa ang baon nilang tinapay. Pumunta sila kay Josue sa kampo ng Israel sa Gilgal. Ganito ang sabi nila kay Josue at sa kasama niyang mga pinuno ng Israel: “Kami po'y galing pa sa malayong lupain; nais po naming makipagkasundo sa inyo!”

Ngunit(A) sumagot ang mga pinuno ng Israel, “Baka kayo'y mga tagarito. Hindi kami maaaring makipagtipan sa inyo.”

Read full chapter