Add parallel Print Page Options

13 Ipinanganak sila hindi sa dugo, ni sa kalooban ng laman, ni sa kalooban ng tao. Sila ay ipinanganak mula sa Diyos.

14 Nagkatawang-tao ang Salita at nanahang kasama natin. Namasdan namin ang kaniyang kaluwalhatian, ang kaluwal­hatian ng bugtong na Anak ng Ama. Ang Salitang ito ay puspos ng biyaya at katotohanan.

15 Si Juan ay nagpapatotoo patungkol sa kaniya. Siya ay sumigaw at nagsabi: Siya ang aking sinasabi na ang paparitong kasunod ko ay mas higit sa akin sapagkat siya ay una sa akin.

Read full chapter