Add parallel Print Page Options

14 Nagkatawang-tao ang Salita at namuhay na kasama natin. Nakita namin ang kadakilaan niya bilang kaisa-isang Anak ng Ama. Puspos siya ng biyaya at pawang katotohanan ang mga sinasabi niya.

15 Nagpatotoo si Juan tungkol sa kanya at ito ang kanyang sinabi: “Siya ang tinutukoy ko nang sabihin kong, ‘May isang darating na kasunod ko, mas dakila siya kaysa sa akin, dahil nariyan na siya bago pa ako ipanganak.’ ”

16 Sa kasaganaan ng kanyang biyaya[a] ay tumanggap tayong lahat ng sunud-sunod na pagpapala.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:16 biyaya: Sa ibang salin ng Biblia, kagandahang-loob.