Add parallel Print Page Options

Kaya pagkatapos nito ay sinabi niya sa kaniyang mga alagad: Pumunta tayong muli sa Judea.

Sinabi ng kaniyang mga alagad sa kaniya: Guro, ngayon pa lang ay naghahanap na sila ng pagkakataon upang ikaw ay batuhin ng mga Judio. Babalik ka na naman ba roon?

Sumagot si Jesus: Hindi ba may labindalawang oras sa maghapon? Ang sinumang naglalakad kung araw ay hindi natitisod dahil nakikita niya ang liwanag sa sanlibutang ito.

Read full chapter