Add parallel Print Page Options

18 “Hindi ko kayo iiwan ng walang kasama;[a] babalik ako sa inyo. 19 Kaunting panahon na lang at hindi na ako makikita ng mga tao sa mundo, pero makikita nʼyo ako. At dahil buhay ako, mabubuhay din kayo. 20 Sa araw na iyon, malalaman ninyo na ako nga ay nasa aking Ama, at kayo ay nasa akin, at ako ay nasa inyo.

Read full chapter

Footnotes

  1. 14:18 walang kasama: sa literal, mga ulila.