Font Size
Juan 16:17-19
Ang Salita ng Diyos
Juan 16:17-19
Ang Salita ng Diyos
Ang Kalungkutan ng mga Alagad ay Magiging Kagalakan
17 Ang ilan sa kaniyang mga alagad ay nagtanong sa isa’t isa: Ano itong sinasabi niya sa atin? Kaunting panahon na lamang at hindi na ninyo ako makikita. Pagkatapos ng kaunting panahon, makikita ninyo ako sapagkat pupunta ako sa Ama.
18 Sinabi nga nila: Ano itong sinasabiniyang kaunting panahon na lamang? Hindi natin maunawaan ang sinasabi niya.
19 Alam nga ni Jesus na nais nilang magtanong sa kaniya. Sinabi niya sa kanila: Nagtatanong ba kayo sa isa’t isa patungkol sa sinabi ko: Kaunting panahon na lamang at hindi na ninyo ako makikita, pagkatapos ng kaunting panahon, makikita ninyo akong muli.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International