Add parallel Print Page Options

18 Sinabi nga nila: Ano itong sinasabiniyang kaunting panahon na lamang? Hindi natin maunawaan ang sinasabi niya.

19 Alam nga ni Jesus na nais nilang magtanong sa kaniya. Sinabi niya sa kanila: Nagtatanong ba kayo sa isa’t isa patungkol sa sinabi ko: Kaunting panahon na lamang at hindi na ninyo ako makikita, pagkatapos ng kaunting panahon, makikita ninyo akong muli. 20 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Kayo ay tatangis at mananaghoy ngunit ang sanlibutan ay magagalak. Kayo ay malulumbay ngunit ang inyong kalumbayan ay magiging kagalakan.

Read full chapter