Add parallel Print Page Options

Naroon ang balon ni Jacob, kaya't nang mapagod si Jesus mula sa kanyang paglalakbay, umupo siya sa tabi niyon. Magtatanghaling tapat[a] na noon nang may isang Samaritanang dumating upang sumalok ng tubig. Sinabi ni Jesus sa kanya, “Pahingi nga ng inumin.” (Ang kanyang mga alagad ay nakaalis na noon patungong bayan upang bumili ng pagkain.)

Read full chapter

Footnotes

  1. Juan 4:6 Sa Griyego, ikaanim na oras.