Add parallel Print Page Options

23 Ito ay upang parangalan ng lahat ang Anak kung papaano nila pinarangalan ang Ama. Ang hindi nagpaparangal sa Anak ay hindi nagpaparangal sa Ama na nagsugo sa kaniya.

24 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Ang dumirinig sa aking salita at sumasampalataya sa nagsugo sa akin ay may buhay na walang hanggan. Siya ay hindi na hahatulan kundi lumipat na mula sa kamatayan patungo sa buhay. 25 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Ang oras ay darating at ito ay ngayon na. Sa oras na iyon ay maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ng Diyos. Sila na nakarinig ay mabubuhay.

Read full chapter