Add parallel Print Page Options

29 Siya na nagsugo sa akin ay kasama ko. Hindi ako iniwang mag-isa ng Ama sapagkat lagi kong ginagawa ang mga bagay na nakakalugod sa kaniya. 30 Habang sinabi niya ang mga bagay na ito, marami ang sumampalataya sa kaniya.

Ang mga Anak ni Abraham

31 Sinabi nga ni Jesus sa mga Judio na sumampalataya sa kaniya: Kapag mananatili kayo sa aking salita, totoong kayo ay aking mga alagad.

Read full chapter