Add parallel Print Page Options

25 Sumagot siya, “Hindi ko alam kung siya nga ay makasalanan. Isang bagay ang nalalaman ko, na ako ay dating bulag, at ngayon ay nakakakita na.” 26 Sinabi nila sa kanya, “Ano ang ginawa niya sa iyo? Paano niya pinagaling ang iyong mga mata?” 27 Sumagot siya sa kanila, “Sinabi ko na sa inyo, ngunit ayaw ninyong makinig. Bakit gusto ninyong marinig ito ulit? Gusto rin ba ninyong maging mga alagad niya?”

Read full chapter