Add parallel Print Page Options

20 Ngunit kayo, mga minamahal, patatagin ninyo ang inyong sarili sa napakabanal na pananampalatya. Manalangin kayo sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. 21 Habang naghihintay kayo, panatilihin ninyo ang inyong sarili sa pag-ibig ng Diyos. Hintayin ninyo ang habag ng ating Panginoong Jesucristo na patungo sa walang hanggang buhay. 22 Kahabagan ninyo ang mga nag-aalinlangan.

Read full chapter