Font Size
Levitico 1:9-11
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Levitico 1:9-11
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
9 Ngunit dapat muna nilang hugasan ang laman-loob at ang mga paa bago ilagay sa altar. Pagkatapos, ang lahat ng ito'y sama-samang susunugin bilang handog, upang ang usok nito'y maging mabangong samyo sa akin.
10 “Kung tupa o kambing ang ihahandog, kailangang ito'y lalaki rin at walang kapintasan. 11 Papatayin ito ng naghahandog sa harapan ni Yahweh sa gawing hilaga ng altar at ang dugo'y ibubuhos ng mga pari sa paligid ng altar.
Read full chapter