Levitico 14:8-10
Ang Biblia (1978)
8 At siya na lilinisin ay maglalaba ng kaniyang mga suot, at magaahit ng lahat niyang buhok, at maliligo sa tubig; at magiging malinis: at pagkatapos ay papasok sa kampamento, (A)datapuwa't tatahan sa labas ng kaniyang tolda na pitong araw.
9 At mangyayaring sa ikapitong araw, ay muling magaahit ng lahat niyang buhok, sa kaniyang ulo, at sa kaniyang baba, at sa kaniyang kilay, na anopa't aahitin niya ang lahat niyang buhok; at kaniyang lalabhan ang kaniyang mga suot, at kaniyang paliliguan ang kaniyang laman sa tubig, at magiging malinis.
10 At sa ikawalong araw ay kukuha siya ng dalawang korderong lalake na walang kapintasan, at ng isang korderong babae ng unang taon na walang kapintasan, (B)at ng isang handog na harina na tatlong ikasangpung bahagi ng isang epa[a] ng mainam na harina na hinaluan ng langis, at ng isang log[b] na langis.
Read full chapterFootnotes
- Levitico 14:10 Ang isang epa ay katimbang ng 30 litro.
- Levitico 14:10 Ang isang log ay katimbang ng 1/4 ng litro.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978