Add parallel Print Page Options

11 At ihaharap ni Aaron (A)ang toro na handog dahil sa kasalanan, na patungkol sa kaniyang sarili, at itutubos sa kaniyang sarili at sa kaniyang sangbahayan, at papatayin ang toro na handog dahil sa kasalanan na patungkol sa kaniyang sarili:

12 (B)At kukuha siya mula sa dambana na nasa harap ng Panginoon ng isang suuban na puno ng mga baga; at kukuha ng dalawang dakot (C)ng masarap na kamangyan na totoong dikdik, at kaniyang dadalhin sa loob ng tabing:

13 (D)At ilalagay niya ang kamangyan sa ibabaw ng apoy sa harap ng Panginoon, upang ang mga usok ng kamangyan ay tumakip sa luklukan ng awa na (E)nasa ibabaw ng kaban ng patoo, upang huwag siyang mamatay:

Read full chapter