Add parallel Print Page Options

29 (A)Huwag mong hahamakin ang iyong anak na babae, na siya'y iyong pagmamasamaing babae: baka ang lupain ay malugmok sa pakikiapid, at mapuno ang lupain ng kasamaan.

30 (B)Ipangingilin ninyo ang aking mga sabbath, at igagalang ninyo ang (C)aking santuario: ako ang Panginoon.

31 (D)Huwag ninyong babalikan ang mga inaalihan ng masasamang espiritu ni ang mga mangkukulam: huwag ninyong hanapin na magpakahawa sa kanila: ako ang Panginoon ninyong Dios.

Read full chapter