Font Size
Levitico 25:10-12
Ang Biblia (1978)
Levitico 25:10-12
Ang Biblia (1978)
10 At ipangingilin ninyo ang ikalimang pung taon, (A)at ihahayag ninyo sa buong lupain ang kalayaan sa lahat na tumatahan sa lupain: iya'y magiging kapistahan ng jubileo sa inyo; (B)at bawa't isa sa inyo ay babalik sa kaniyang pagaari, at bawa't isa'y babalik sa kaniyang sangbahayan.
11 Magiging kapistahan ng jubileo nga sa inyo ang ikalimang pung taon: huwag ninyong hahasikan ni aanihin ang tumubo sa kaniyang sarili, ni titipunin ang mga ubas ng ubasan na hindi nakapon.
12 Sapagka't kapistahan ng jubileo; magiging banal sa inyo: (C)kakanin ninyo ang bunga niyan sa bukid.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978