Font Size
Levitico 26:25-27
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Levitico 26:25-27
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
25 Ipasasalakay ko kayo sa mga kaaway ninyo kaya't marami ang mapapatay sa inyo dahil sa inyong pagsira sa kasunduang ginawa ko sa inyo. Makapagtago man kayo sa mga kuta, padadalhan ko kayo roon ng salot, kaya babagsak din kayo sa kamay ng inyong kaaway. 26 Kukulangin kayo sa pagkain kaya't iisang kalan ang paglulutuan ng sampung babae. Tatakalin ang inyong pagkain kaya't hindi kayo mabubusog.
27 “At kung sa kabila nito'y di pa rin kayo magbabago at patuloy pa ring sumuway sa akin,
Read full chapter