Add parallel Print Page Options

26 Kukulangin kayo sa pagkain kaya't iisang kalan ang paglulutuan ng sampung babae. Tatakalin ang inyong pagkain kaya't hindi kayo mabubusog.

27 “At kung sa kabila nito'y di pa rin kayo magbabago at patuloy pa ring sumuway sa akin, 28 magsisiklab na ang aking galit sa inyo, at ako na mismo ang magpaparusa sa inyo ng makapitong ibayo dahil sa inyong mga kasalanan.

Read full chapter