Add parallel Print Page Options

32 At kung kordero ang kaniyang dalhing pinakaalay na bilang handog dahil sa kasalanan, (A)ay babaing walang kapintasan ang dadalhin niya.

33 At ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng handog dahil sa kasalanan, at papatayin na pinaka handog dahil sa kasalanan, sa pinagpapatayan ng handog na susunugin.

34 At dadampot ang saserdote sa pamamagitan ng kaniyang daliri ng dugo ng handog dahil sa kasalanan, at ilalagay sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambanang pagsusunugan ng handog, at ang lahat ng dugo ay ibubuhos niya sa paanan ng dambana:

Read full chapter