Levitico 5:10-12
Ang Biblia (1978)
10 At ihahandog niya ang ikalawa na pinaka handog na susunugin (A)ayon sa alituntunin: (B)at itutubos sa kaniya ng saserdote tungkol sa kaniyang kasalanan na kaniyang pinagkasalahan, at siya'y patatawarin.
11 Datapuwa't kung ang kaniyang kaya ay hindi sapat upang magdala ng dalawang batobato, o ng dalawang inakay ng kalapati, ay magdadala nga siya ng ikasangpung bahagi ng isang epa[a] ng mainam na harina, na pinakahandog dahil sa kasalanan niya; (C)hindi niya lalagyan ng langis ni bubuhusan man niya ng kamangyan; sapagka't handog dahil sa kasalanan.
12 At dadalhin niya sa saserdote, at ang saserdote ay kukuha ng kaniyang dakot sa pinaka alaala niyaon, (D)na susunugin sa dambana; (E)na gaya ng mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy: handog nga dahil sa kasalanan.
Read full chapterFootnotes
- Levitico 5:11 Ang isang epa ay katimbang ng 30 litro.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978