Add parallel Print Page Options

(A)At isinuot sa kaniya ang (B)kasuutan, at binigkisan ng pamigkis, at ibinalabal sa kaniya ang balabal, at sa kaniya'y ipinatong ang epod, at ibinigkis sa kaniya ang pamigkis ng epod na mainam ang pagkayari, at tinalian nito.

At ipinatong sa kaniya ang pektoral: (C)at inilagay sa loob ng pektoral ang Urim at ang Thummim.

(D)At ipinatong ang mitra sa kaniyang ulo; at ipinatong sa mitra sa harap, ang laminang ginto, ang banal na putong; (E)gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.

Read full chapter