Add parallel Print Page Options

15 Kapag naghandog ang mga taga-Israel, ihandog nila ang pitso, at hita ng hayop pati na ang mga taba bilang handog sa pamamagitan ng apoy. Ang pitso at hita ay itataas nila sa Panginoon bilang handog na itinataas. Pagkatapos, ibibigay nila ito sa inyo dahil ito ang inyong bahagi sa handog. Itoʼy para sa inyo, at sa inyong mga angkan magpakailanman ayon sa iniutos ng Panginoon.”

16 Nang siyasatin ni Moises ang tungkol sa kambing na handog sa paglilinis,[a] napag-alaman niyang nasunog na itong lahat.[b] Kaya nagalit siya kina Eleazar at Itamar at sinabihan, 17 “Bakit hindi ninyo kinain ang handog sa paglilinis sa banal na lugar? Ang handog na iyon ay napakabanal, at iyon ay ibinigay ng Panginoon sa inyo para matubos ang mga tao sa kanilang mga kasalanan sa presensya ng Panginoon.

Read full chapter

Footnotes

  1. 10:16 Tingnan ang 9:15.
  2. 10:16 Ayon sa paraan ng paghahandog na makikita sa 6:25-30, ang karne ng hayop ng handog na ito ay dapat kinakain ng mga pari.