Add parallel Print Page Options

13-19 “Huwag ninyong kakainin ang mga ibon[a] katulad ng agila, uwak, ibon na kumakain ng bangkay ng tao o hayop, lawin, kuwago, ibong naninila, ibong dumadagit ng isda, tagak, at paniki.[b] Ituring ninyong kasuklam-suklam ang mga ibon na ito.

20-23 “Pwede nʼyong kainin ang mga kulisap na lumilipad at gumagapang na may malalaking paa sa paglundag, katulad ng balang, kuliglig, at tipaklong. Pero huwag ninyong kakainin ang iba pang mga kulisap na lumilipad at gumagapang. Ituring ninyong kasuklam-suklam ang mga ito.

Read full chapter

Footnotes

  1. 11:13-19 Ang ibang nabanggit na ibon dito na nakasulat sa tekstong Hebreo ay mahirap malaman at ang iba ay wala rito sa Pilipinas.
  2. 11:13-19 paniki: o, paniking-bahay. Itinuturing ito na ibon ng mga Israelita.