Add parallel Print Page Options

Mga Tuntunin Tungkol sa Nakakahawang Sakit sa Balat

13 Ang mga tuntuning ito ay ibinigay ng Panginoon kina Moises at Aaron: Kung ang balat ng isang tao ay namamaga, may mga butlig at namumuti, iyon ay tanda ng malubhang sakit sa balat.[a] Siyaʼy dapat dalhin sa paring si Aaron o sa isa sa mga paring mula sa angkan niya. Susuriin ng pari ang balat niya, at kung makita niyang ang balahibo ay namumuti at parang tagos sa laman, may nakakahawang sakit sa balat ang taong iyon. Ipapahayag ng pari na ang taong iyon ay itinuturing na marumi.[b]

Read full chapter

Footnotes

  1. 13:2 malubhang sakit sa balat: sa ibang salin, ketong. Ang Hebreong salita nito ay ang tawag sa ibaʼt ibang uri ng sakit sa balat na itinuturing na marumi. Ito rin ang salitang ginagamit sa mantsa (13:47-59) at amag (14:33-53).
  2. 13:3 marumi: Ang ibig sabihin, hindi siya maaaring makisama sa kanilang mga seremonyang pangrelihiyon.