Add parallel Print Page Options

Dadalhin niya ito sa mga paring mula sa angkan ni Aaron. Kukuha ang pari ng isang dakot na pinagsama-samang harina at langis, at susunugin niya ito sa altar kasama na ang insenso na inilagay sa harina. Susunugin niya ito na pinakaalaala sa Panginoon.[a] Ang mabangong samyo ng handog na ito sa pamamagitan ng apoy[b] ay makalulugod sa Panginoon. Ang natirang harina ay para kay Aaron at sa kanyang angkan, at ito ang pinakabanal na bahagi na mula sa handog sa pamamagitan ng apoy para sa Panginoon.

Kapag may naghahandog ng tinapay na niluto sa hurno para parangalan ang Panginoon, kailangang gawa ito sa magandang klaseng harina at hindi nilagyan ng pampaalsa. Maaaring maghandog ng makapal na tinapay na hinaluan ng langis o ang manipis na tinapay na pinahiran ng langis.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2:2 pinakaalaala sa Panginoon: Pag-alala na siya ang nagbibigay ng pagkain o siyaʼy karapat-dapat na tumanggap ng handog.
  2. 2:2 handog … apoy: Tingnan ang “footnote” sa 1:9.