Leviticus 22:3-7
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
3 Ang sinumang anak ni Aaron ngayon at sa susunod pang mga henerasyon na hihipo ng handog para sa akin ngunit siyaʼy itinuturing na marumi,[a] ay hindi na makapaglilingkod bilang pari. Ako ang Panginoon.
4-7 Walang sinuman sa inyo ang maaaring kumain ng handog kung siyaʼy may malubhang sakit sa balat,[b] o may sakit na tulo o nakahipo ng anumang bagay na marumi dahil nadikit ito sa patay, o nilabasan ng binhi, o nakahipo ng hayop o tao na itinuturing na marumi. Siyaʼy maaari lamang kumain ng mga handog kung siyaʼy nakapaligo na.[c] Pero maghihintay siya hanggang sa paglubog ng araw at saka pa lang siya makakakain ng mga handog na pagkain niya bilang pari.
Read full chapterFootnotes
- 22:3 marumi: Ang ibig sabihin, hindi siya karapat-dapat na makisama sa kanilang mga seremonyang pangrelihiyon.
- 22:4-7 malubhang sakit sa balat: sa ibang salin, ketong. Ang salitang Hebreo nito ay ginamit sa ibaʼt ibang uri ng sakit sa balat na itinuturing na marumi ayon sa Lev. 13.
- 22:4-7 nakapaligo na: isa sa mga gawain na ginagawa ng mga Israelita para silaʼy maging malinis at karapat-dapat na makisama sa kanilang mga seremonyang pangrelihiyon.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®