Font Size
Leviticus 23:24-28
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Leviticus 23:24-28
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Pista ng Pagpapatunog ng mga Trumpeta(A)
23-24 Sa unang araw ng ikapitong buwan, magpahinga kayo para alalahanin ang Panginoon. Kung marinig ninyo ang tunog ng trumpeta, magtipon kayo para sumamba sa kanya. 25 Huwag kayong magtrabaho sa araw na iyon, sa halip mag-alay kayo ng handog sa pamamagitan ng apoy para sa Panginoon.
Ang Araw ng Pagtubos(B)
26-28 Ang ikasampung araw ng ikapitong buwan ding iyon ay Araw ng Pagtubos.[a] Huwag kayong magtatrabaho sa araw na iyon kundi magtipon kayo sa pagsamba sa Panginoon na may pag-aayuno at pag-aalay ng handog sa pamamagitan ng apoy. Sapagkat sa araw na iyon gagawin ang seremonya ng pagtubos sa inyong mga kasalanan sa Panginoon na inyong Dios.
Read full chapterFootnotes
- 23:26-28 Araw ng Pagtubos: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®