Add parallel Print Page Options

Mga Dahilan ng Pagkakasala(A)

17 Sinabi ni Jesus sa mga tagasunod niya, “Hindi maiiwasan ang pagdating ng mga bagay na magiging dahilan ng pagkakasala ng tao. Ngunit nakakaawa ang taong magiging dahilan ng pagkakasala ng kanyang kapwa. Mas mabuti pang talian siya sa leeg ng gilingang bato at itapon sa dagat, kaysa siya ang maging dahilan ng pagkakasala ng isa sa maliliit[a] na ito. Kaya mag-ingat kayo.

“Kung magkasala sa iyo ang kapatid mo, pagsabihan mo siya. At kung magsisi siya, patawarin mo.

Read full chapter

Footnotes

  1. 17:2 maliliit: Maaaring ang ibig sabihin, ang mahihina sa pananampalataya o ang mga itinuturing na hamak o mababa o di kayaʼy ang maliliit na bata.