Font Size
Lucas 18:15-17
Ang Salita ng Diyos
Lucas 18:15-17
Ang Salita ng Diyos
Si Jesus at ang Maliliit na Bata
15 Dinala rin nila sa kaniya ang mga sanggol upang mahipo niya. Ngunit ng makita ito ng mga alagad, sinaway nila sila.
16 Ngunit tinawag sila ni Jesus sa kaniya at sinabi: Pahintulutan ninyong lumapit sa akin ang mga maliliit na bata sapagkat ang paghahari ng Diyos ay para sa mga katulad nila. 17 Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Ang sinumang hindi tumanggap sa paghahari ng Diyos tulad ng isang maliit na bata ay hindi kailanman makakapasok doon.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International