Add parallel Print Page Options

20 At bumalik ang mga tagapag-alaga ng tupa na niluluwalhati at pinupuri ang Diyos dahil sa lahat ng mga bagay na kanilang narinig at nakita tulad ng pagkasabi sa kanila.

 

Dinala ni Jose at ni Maria si Jesus sa Templo

21 Dumating ang ikawalong araw para sa pagtutuli sa maliit na bata. Ang kaniyang pangalan ay tinawag na Jesus. Ito ang ipina­ngalan ng anghel bago siya ipinagdalang-tao sa bahay-bata.

22 Naganap na ang araw ng kanilang pagdadalisay ayon sa kautusan ni Moises. Pagkatapos nito, dinala nila si Jesus sa Jerusalem upang iharap saPanginoon.

Read full chapter