Add parallel Print Page Options

Mga Tanda at Pag-uusig na Darating(A)

Tinanong ng mga alagad si Jesus, “Guro, kailan po mangyayari ang mga ito? At ano ang magiging tanda na malapit nang mangyari ang mga ito?” At sinabi niya, “Mag-ingat kayo upang hindi mailigaw ng sinuman. Sapagkat marami ang darating na gumagamit ng aking pangalan at magsasabi, ‘Ako ang Cristo!’[a] at ‘Malapit na ang panahon!’ Huwag kayong susunod sa kanila. At kapag nakarinig kayo ng mga digmaan at mga kaguluhan, huwag kayong matakot, sapagkat kailangan munang mangyari ang mga ito, ngunit hindi pa kaagad darating ang wakas.”

Read full chapter

Footnotes

  1. Lucas 21:8 Ako ang Cristo: Sa Griyego, Ako siya.