Add parallel Print Page Options

33 Sumagot si Pedro, “Panginoon, handa po akong sumama sa inyo hanggang sa bilangguan o sa kamatayan.” 34 Ngunit sinabi ni Jesus, “Sinasabi ko sa iyo, Pedro, sa araw na ito, bago pa tumilaok ang tandang, tatlong ulit mo na akong naipagkaila.”

Walang Supot, Pagkain, Sandalyas

35 Sinabi niya sa kanila, “Nang isugo ko kayong walang lalagyan ng salapi, o baunan ng pagkain, o sandalyas, kinulang ba kayo ng anuman?” At sinabi nila, “Hindi po.”

Read full chapter