Add parallel Print Page Options

34 Ngunit sinabi ni Jesus, “Sinasabi ko sa iyo, Pedro, sa araw na ito, bago pa tumilaok ang tandang, tatlong ulit mo na akong naipagkaila.”

Walang Supot, Pagkain, Sandalyas

35 Sinabi niya sa kanila, “Nang isugo ko kayong walang lalagyan ng salapi, o baunan ng pagkain, o sandalyas, kinulang ba kayo ng anuman?” At sinabi nila, “Hindi po.” 36 Sinabi niya sa kanila, “Ngunit ngayon, magdala kayo ng lalagyan ng salapi at ng pagkain. At ang sinumang walang tabak, ipagbili ang kanyang balabal at bumili ng tabak.

Read full chapter