Font Size
Lucas 22:34-36
Ang Salita ng Diyos
Lucas 22:34-36
Ang Salita ng Diyos
34 Sinabi ni Jesus: Sinasabi ko sa iyo, Pedro: Ipagkakaila mo nang tatlong ulit na kilala mo ako bago tumilaok ang tandang.
35 Sinabi niya sa kanila: Isinugo ko kayong walang dalang kalupi, bayong at panyapak. Nang isinugo ko kayo, nagkulang ba kayo ng anumang bagay?
Sinabi nila: Wala kaming naging kakulangan.
36 Sinabi nga niya sa kanila: Ngayon, siya na may kalupi ay hayaang magdala niyon. Ang may bayong ay gayundin. Siya na walang tabak ay ipagbili niya ang kaniyang damit at bumili ng tabak.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International