Add parallel Print Page Options

Siya ay pinaratangan nila ng ganito, “Napatunayan po namin na inililigaw ng taong ito ang aming mga kababayan at pinagbabawalan niyang magbayad ng buwis sa Emperador. Sinasabi pa niyang siya raw ang Cristo, na isang hari.”

Tinanong siya ni Pilato, “Ikaw nga ba ang Hari ng mga Judio?”

“Ikaw na ang may sabi,” tugon ni Jesus.

Sinabi ni Pilato sa mga punong pari at sa mga tao, “Wala akong makitang kasalanan sa taong ito.”

Read full chapter